Thursday, March 3, 2011

Saloobin

Matapos ako makapagtapos sa aking pag-aaral dalawang taong nakalipas, minsan napapaisip ako paano kaya kung yun kursong may board exam yun kinuha ko... yun ipinagtapos ko. Minsan naiinggit ako o nakakainggit pag masdan yun mga may lisensya o propisyon lalo na't ako'y may pangarap na magkaroon ng masagana at may salapi. Noon, akala ko kaya ko lang kunin o abutin yun simpleng pangarap ko. Sa aking kamusmusan noon, akala ko madali lng abutin yun mga pangarap ko sa sarili ko at pangarap na mapasaya ang pamilya ko. Hanggang sa ako'y nakipagsapalaran at patuloy na nakikipagsapalaran, napaisip ulit ako at aking napagtanto na hindi pala ganoon kadali ang mga ito. Ang daling sabihin at isipin ngunit mahirap din palang gawin. Lalong lalo na't ako'y karaniwang tao lamang na tulad din ng karamihan na karaniwan batay sa karera. Kaya lubos akong napaisip sa ngayon kung ano din kaya yun maging buhay ko kung ako ay may lisensya at propisyon din. Tiyak din siguro ay maaabot ko ang mga ito sa aking kadalubhaasan at maliwanag ang aking landas na tela bang may tiyak na paruruonan o deriksyon ang karera. At magkaroon din ng tiyak na matagumpay na buhay! Bilang isang karaniwan, hindi ganoon kadali magkaroon ng masagana at matagumpay na buhay lalong lalo na't hindi ka gagapang sa butas ng karayom at hndi mo ito pagtuonan ng pansin at bumuhos ng mala-"swimming pool" na pawis at sakripisyo.

Datapwat, ako'y umaasa na makontento din sa pagiging karaniwan ko at magkaroon ng simple at masayang pamumuhay. Hindi naman ako lubos na nagsisi sa kung anong buhay ko ngayon, samakatwid masaya din naman ako lalo na't may mga tao ding umuunawa at nagmamahal sa akin. Nagpapasalamat din ako na sa kabila ng lahat mayroong simple at magaang buhay ako ngayon na hindi tulad ng iba na may mga kapatid at magulang na sinusustentohan at nanghihingi. Minsan nga lang bunga ng inggit ay nagkakaroon ako ng mga hindi kanais-nais na saloobin. Ngunit, ako'y patuloy na ngpapasalamat at nananalangin parin sa panginoon at humihingi ng gabay at maraming pang biyaya sa aking paglalakbay. :D


No comments: